 Rank: Advanced Member Groups: Member
Joined: 3/23/2009 Posts: 411 Points: 660
|
nasa saiyo yan
kasi kahit anong sabihin namin, ikaw pa rin yung nasa posisyon na yan,. ikaw ang nasa awkward state (kung mukhang awkward state yan sayo)
alexis is right, nasa tamang edad ka na ba para gawin yan?I mean, may tamang panahon sa mga bagay bagay. Kung teenager ka pa lang hay naku wag mong maisipan muna dahil baka pagdating mo sa iyong "more" mature state baka pagsisihan mo yan.
Pero kung nasa tamang edad ka na,....at ang problema mo ay baka mabuntis ka, meron nang naimbentong condom. Pagusapan nyo kung gagamit ba kayo nyan at ipractice na rin nya kamo kung papano maglagay kasi baka magkamali ka. Meron akong napanood na artista na nagsabi na yung condom raw na ginamit nila ng bf nya ay hindi matibay kaya sya nabuntis, kaya kung ako sa iyo, try nyo rin pumili ng right condom na gagamitin nyo,. i-sure nyo na bago yon, dahil ang condom ay rubberize at sa katagalan rumurupok yun.
Pero kung ang problema mo ay ayaw mo pang isuko ang bataan, pagusapan nyo yan ng maayos. Sabihin mo sa kanya na hindi ka pa kumportable doon, at kung understanding sya, maiintindihan nya yon.
|